16 kumpirmadong election related incidents, naitala nitong nakalipas na halalan

Maituturing pa ring generally peaceful ang nagdaang eleksyon 2022.

 

Sa ulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi hamak na kakaunti ang naitalang election related incidents nitong 2022 elections kumpara nuong 2010 at 2016 elections.

 

Ayon kay Sec Año, 27 ang naitalang insidente noong mismong araw ng halalan nitong May 9 na nagresulta sa pitong nasawi at 33 injury.


 

Sa nabanggit na numero, 16 lamang ang kumpirmadong election related incidents base na rin sa validation & assessment ng mga otoridad.

 

Sinabi ng kalihim na sa 27 insidente noong halalan, 11 ang shooting incidents na nangyari sa Albay, Negros Oriental, Cotabato, tatlo sa Maguindanao, apat sa Lanao del sur, tig-iisa sa Basilan at Zamboanga del Norte.

 

Tatlong grenade explosions ang naitala sa Cotabato at dalawa sa Maguindanao habang nagkaroon din ng dalawang insidente ng ballot snatching sa Lanao del Sur at Basilan.

 

Nakapagtala rin ng komosyon sa Maguindanao, Camarines Sur, Lanao at Tawi-Tawi.

 

Nagkaroon din ng pagpasok sa presinto o physical assault sa Batangas, Maguindanao at Abra, dalawang insidente ng strafing sa Basilan at pagsira sa vote counting machines sa Lanao del sur.

Facebook Comments