Tatayo bilang caretaker ng Bansa si Justice Secretary Menardo Guevarra mula bukas hanggang June 1.
Aalis na kasi mamayang hapon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang official visit sa Japan partikular sa kanyang pagdalo sa Nikkei’s 25th International Conference on the Future of Asia na gaganapin sa darating na Huebes at Biyernes.
Makakasama din ni Pangulong Duerte ang 16 niyang Gabinete kabilang dito sina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Finance Secretary Carlos Dominguez, Agriculture Secretary Manny Pinol, Public works Secretary Mark Villar, Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, Trade Secretary Ramon Lopez, energy Secretary Alfonso Cusi, Communications Secretary Martin Andanar at iba pa.
Ayon naman kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel the Fifth, dahil imbitasyon ito ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe, ang gagastos sa biyahe ng Pangulo at ng kanyang gabinete ay sasagutin ng Nikkei Japan.
Pero gobyerno ng Pilipinas naman ang sasagot sa biyahe ng mga support staff.
Sinabi din ni Laurel na posibleng ang dahilan ng pagsama ng maraming gabinete ay natuwa si Pangulong Duterte sa resulta ng Midterm Elenctions kaya sa tingin nito ay reward o pabuya ito ng Pangulo sa kanyang official family.