16 na lalaki at 5 babae na inaresto sa QC dahil sa paglabag sa ECQ nakakulong na at nahaharap sa patong-patong na kaso

Nahaharap na ngayon sa patong-patong na kaso ang 16 na lalaki at 5 babae na inaresto ng mga pulis dahil sa pananatili sa labas ng bahay kahit may ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa ulat ni Joint Task Force COVID Shield Lt General Guillermo Eleazar alas 11:00 ng tanghali kahapon nahuli nila ang mga suspek na nakatambay sa EDSA Northbound sa harap ng avida show room sa EDSA sa Quezon City.

Aniya ang 21 mga indbidwal na naaresto ay kabilang sa grupong SAMANA (Samahan Ng Magkakapitbahay ng Barangay San Roque).


Bago sila naaresto isang oras na nakiusap sa kanila ang mga Brgy officials ng Brgy San Roque na bumalik sa kanilang bahay Pero hindi nakinig ang mga naaresto.

Sa halip iginiit na kailangan nilang manghingi ng food supplies sa lokal na pamahaalan ng lungsod ng Quezon.

Dito na sila sinita ng mga pulis at naaresto ang 21 mga indibidwal na ngayon ay nahaharap na sa mga kasong paglabag sa RA 11469 o ang Bayanihan To Heal as One Act,  RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at kasong paglabag sa  Art. 151, o ang resistance and Disobedience to a person in authority.

Facebook Comments