COVID-19 positive sa Navotas, umabot na sa 3

37

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, tatlo na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas.

Ang ikatlong kaso ay nakatira sa Barangay Nbbs dagat-dagatan na nagsimulang makaranas ng ubo at lagnat noong march 15 na hindi gumaling kahit na uminom sya ng gamot.


March 27 nang ito ay magpakonsulta sa health center at march 29 nang makuhanan ng specimen.

Sabi ni Tiangco, nagsasagawa na ng contact tracing ang city health office sa mga nakahalubilo ng pasyente.

Ang naunang dalawang kaso naman ng COVID-19 sa Navotas ay residente ng Tangos South at San Jose.

Muli, iginiit ni tiangco sa mga taga-navotas na huwag lumabas ng bahay upang hindi mahawa ng Coronavirus.

Facebook Comments