16 na mga pulis, nadagdag sa mga infected ng COVID-19

Dumami pa ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 1,239.

Sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) kahapon, panibagong 16 na pulis ang nag-positive sa COVID-19.

Walo sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tatlo sa PRO 7 at tig-iisa nakatalaga sa PNP CALABARZON, PRO 8, National Headquarters (NHQ), Police Security and Protection Group (PSPG) at Anti-Kidnapping Group (AKG).


Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 521 na ang gumaling na habang inoobserbahan pa ang 648 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 1,366 na pulis ang suspect case ng COVID -19.

Nananatili naman sa siyam ang pulis na namatay dahil sa virus.

Facebook Comments