Dalawang carnapper, arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija at Negros Occidental

39

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang carnapper sa magkahiway na operasyon sa Nueva Ecija at Negros Occidental kamakalawa.

Sa ulat ng PNP-CIDG, kinilala ang dalawang naaresto na may mga warrant of arrest dahil sa kasong carnapping na sina Rizalino Santiago, 33-anyos, at Rommel Pascual, 30-anyos.


Ang warrant of arrest ng dalawa ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 53, First Judicial Region, Rosales Pangasinan at ng RTC Branch 53, Bacolod City, Negros Occidental, 6th Judicial Region.

Si Santiago ay lider ng “Santiago Group” na sangkot sa carnapping at gunrunning activities na nag-o-operate sa Pangasinan at Nueva Ecija.

Habang si Pascual ay miyembro ng “Otria Group” na sangkot gun-for-hire, illegal drug peddling, robbery/hold-up at robbery-in-band na nag-o-operate sa Bacolod City at Negros Oriental.

Facebook Comments