Aabot sa 16 na Milyong Pilipino pa rin ang naninigarilyo.
Ito’y sa kabila ng ipinatutupad na Crackdown sa Tobacco Products.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Dept. of Health (DOH), 14.7% o katumbas ng 15.9 Million mula sa kabuoang 108 Million na populasyon ng Pilipinas ang gumagamit ng sigarilyo.
Lumalabas din na 12 Million o 76% ng mga nagyoyosi sa bansa ay plano nang itigil ang Tobacco Smoking.
Ikinabahala ito ni Valenzuela City Rep. Weslie Gatchalian, Chairperson ng House Committee on Trade and Industry.
Aniya, sa datos ng World Health Orgazination (WHO), nasa walong Milyong katao ang namamatay kada araw dahil sa paninigarilyo.
Kokonsulta rin sila sa mga eksperto kaugnay sa panukalang i-regulate ang paggamit at pagbebenta ng e-Cigarettes at Vapes.
Nasa 800,000 ang gumagamit ng E-Cigarettes at Vapes sa bansa at tumataas pa ang bilang nito.
Sa ngayon, nasa 72 bansa ang nagpapatupad ng regulations sa E-Cigarettes at Vapes, habang 33 bansa naman ang nagpatupad ng total ban.