16 na motorbancas, naialis na sa Taal Lake

Aabot na sa 16 na motorbancas ang naialis sa Taal Lake ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard o PCG Task Force Taal.

Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Ayon sa PCG, pansamantalang inilayo muna ang mga bangka sa Taal Lake upang mapigilan ang mga mangingisda na pumalaot.


Layon din nito na mailayo ang ilang mga residente na gumagamit ng mga motorbanca upang makapunta sa Volcano Island, sa kabila ng mahigpit na pagbabawal lalo’t patuloy ang bantang pagsabog ng Bulkang Taal.

Una nang nag-isyu ang DILG Region 4 ng urgent memorandum na nagdedeklara sa buong coastline ng Taal Lake bilang “high-risk area.”

Facebook Comments