16 na ordinaryong manggagawa mula sa Lungsod ng Pasay, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa ang maswerteng nabiyayaan ng special package sa isinagawang Oplan Tabang COVID-19 Response ng RMN Networks, RMN Foundation at DZXL 558 Radyo Trabaho.
Kaugnay pa rin ito ng selebrasyon ng ika-68 anibersaryo ng RMN Networks at ika-8 anibersaryo ng RMN Foundation Inc.
Kabilang sa mga napiling obrero ay mga vendor, pump attendant, sales lady, security guard, welder, janitor, street sweeper, bus conductor, electrician, driver, service crew at taga-deliver ng tubig.
Kasama sa special package ang coupon para sa “Bisekle-Trabaho” promo kung saan maaari silang manalo ng bike na bahagi naman ng ika-2 taong anibersaryo ng inyong gabay sa hanapbuhay na Radyo Trabaho.
Nagpapasalamat naman tayo sa Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corporation makers of Shield bath soap at Unique toothpaste na walang sawang sumusuporta sa ating mga proyekto.
Bukas, abangan ang muling mag-iikot ang DZXL Radyo Trabaho team sa mga lungsod ng Pasig, Taguig, Manila, Marikina, San Juan at Quezon City.