Labing-anim na Overseas Filipino Workers na nagpanggap na mga turista ang hinarang ng Bureau Of Immigration sa NAIA dahil sa pagiging mga undocumented alien.
Pasakay na sana sa Cebu Pacific Airways flights patungong Taiwan at Hongkong ang naturang mga pinay nang maharang ng immigration officers.
Sa interogasyon ng Bureau Of Immigration, umamin ang mga pasahero na hindi sila mga turista kundi na-recruit para magtrabaho sa abroad.
Labing-dalawa sa ofws ay mga babae na patungong Taipei at umamin na ang kanilang final destination ay sa United Arab Emirates.
Ang apat naman na iba ay China naman ang tunay na destinasyon at sila ay pinangakuan daw ng trabaho ng isang Filipino-Chinese businessman.
Nasa kostodiya na sila ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang 16 para sa imbestigasyon.