16 na pulis na nakatalaga sa NBP na umanoy sangkot sa pagpupuslit ng mga kotrabando pinasisibak ni NCRPO Chief

Iniutos na ni NCRPO Chief Brig Gen Debold Sinas ang pagsibak sa labing anim na pulis na nakataga sa New Bilibid Prison dahil sa umanoy pagkakasangkot sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa NBP.

 

Ayon kay Sinas inutos nya ito para hindi makaapekto sa ginagawang imbestigasyon sa labing anim na pulis.

 

Bukas aniya inaasahan nyang magi siyu ng final evaluation ang NCRPO’s Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) na nag iimbestiga sa kaso ng mga pulis.


 

Inutos rin daw sa labing anim na pulis na magsumite ng counter-affidavit para makuha ang kanilang panig.

 

Habang gumugulong pa ang imbestigasyon ay mananatili muna ang mga sinibak na pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Section.

 

Binawi na rin sa kanila ang inisyung firearms ng PNP.

 

Matatandaang nadiskubre ng mga tauhan ng bureau of correction na ipinupuslit ng labing anim na pulis na ito ang ilang kontrabando katulad ng alak at sigarilyo para ibigay sa ilang inmates sa NBP.

Facebook Comments