Hinihinalang Bangkay ng NPA, Narekober ng PNP San Guillermo!

1506

Cauayan City, Isabela- Isang bangkay ng hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang narekober ng PNP San Guillermo sa ilog na bahagi ng Barangay Colorado, San Guillermo, Isabela pasado alas 9:00 kaninang umaga.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT George Dayag, OIC ng PNP San Guillermo, narekober ng kanyang tropa katuwang ang 2nd IPMFC ang isang bangkay ng lalaki (agta) na may mga tama ng bala ng baril sa katawan na pinaniniwalaang nakisagupa sa nangyaring magkasunod na engkwentro sa bayan ng San Guillermo noong Oktubre 22, 2019.

Narekober din ng mga rumespondeng tropa sa lugar ang isang bandila ng CPP-NPA, mga iba’t-ibang bala ng baril, back pack, mga medical kit at iba pa.


Sa ngayon ay nasa punerarya na ang hindi pa matukoy na bangkay habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kanilang narekober na bangkay.

Facebook Comments