16 na regional jail facilities, nakatakdang itayo para mabawasan ang pagsisiksikan ng mga PDL sa mga kulungan sa bansa

Target ng pamahalaan na magtayo ng labing-anim na Regional Jail Facilities bilang bahagi ng hakbang sa pag-decongest ng mga kulungan sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, na ang mga itatayong regional facilities na ito ang paglilipatan sa mga maaapektuhan ng planong pagsasara ng New Bilibid Prison (NBP) sa taong 2028.

Aniya, magbibigay daan ito para hindi na kailangang ilayo sa kanilang mga rehiyon ang mga bilanggo at upang madalaw pa ng kanilang mga pamilya.


Kaugnay nito, ayon pa kay Clavano na humiling sila ng dagdag na pondo para sa konstruksyon ng mga bagong jail facilities at tutulong naman ang mga lokal na pamahalaan gaya ng pagdo-donate ng lupa para pagtayuan ng mga jail facilities.

Facebook Comments