16 na Saudi nationals, hindi pinapasok sa Amerika

Hinarang ng US State Department ang pagpasok ng 16 na Saudi nationals sa kanilang bansa.

 

Ito ay kaugnay pa rin sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi noong Oktubre kung saan naharap sa matinding krisis ang administrasyong Trump.

 

Nang dahil dito, sumiklab ang pagsisiyasat sa Human Rights record ng bansa.


 

Samantala, isinama ang 16 na Saudi nationals sa listahan na itinalaga sa ilalim ng section 7031 o Department of State, Foreign Operations and Related Programs Appropriations Act of 2019.

 

Sa ilalim nito, hindi papahintulutang makapasok sa Amerika ang mga indibidwal na may kaugnayan sa korapsyon o paglabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments