Kathryn Bernardo at Yen Santos, wala raw ambisyon na makuha ang Darna role

Hindi raw nakikita ng aktres na si Kathryn Bernardo ang kanyang sarili bilang susunod na Darna.

 

Kasunod ito ng paglutang ng kanyang pangalan matapos na umatras si Liza Soberano sa nasabing role.

 

Say ni Kathryn, isang iconic role ang pagiging darna at may binabagayan itong aktres at sa tingin niya hindi ito para sa kanya.


 

Samantala, isa rin si Yen Santos sa mga natanong kung willing siyang gumanap na darna sakaling isa siya sa ikonsidera.

 

Pero gaya ni Kath, say niya, hindi para sa kanya ang role sabay biro na kung pwede siya na lang ang bato.

 

Pagdating naman sa mga social media sites, kabilang sina Miss Universe Pia Wurtzbach at Nadine Lustre sa mga pinalulutang na pangalan ng mga netizen.

Facebook Comments