16 Station Booth ng DPWH Region 02, Nakaalerto na para sa ‘Lakbay Alalay’

*Cauayan City, Isabela- *Maliban sa BFP, PNP, NGO’s ay nakaalerto rin ang labing anim (16) na station booth ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 upang magbantay sa mga lansangan kasabay sa paggunita ngayong araw ng undas.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Wilson Valdez, Public Information Officer ng DPWH Region 02, ay nakaalerto ang kanilang mga stations booth sa mga pangunahing lansangan sa rehiyon para sa pinaigting na ‘Lakbay Alalay” para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista at commuter’s.

Maging sa mga critical areas ay nakabantay rin sila upang mas madaling makapagresponde kung may mga hindi inaasahang aksidente sa daan.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Edmund de Luna, ng Isabela 4th District Engineering Office na kanyang pinaalalahanan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho at huwag makikipagkarera para maiwasan ang anumang aksidente.

Inihayag naman ni P/Col.Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), ito ay bilang pagtalima sa nationwide red alert ng kapulisan kung saan ay pansamantalang sinuspinde muna ang vacation leave ng mga pulis sa Lalawigan.

Nagsimula pang nai-deploy noong Oct.28, 2019 ang mga pulis sa mga terminals, airports, simbahan at maging sa mga pangunahing lansangan.

Facebook Comments