16 Sumukong NPA sa San Mariano, Isabela, Nakatanggap ng SAP Assistance!

Cauayan City, Isabela- Nabigyan ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang labing anim (16) na dating miyembro ng New People’s Army sa himpilan ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Batallion sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ang labing anim na mga sumukong NPA ay pawang mga taga San Mariano at na-validate na ng DSWD na talagang mabibigyan ng ayuda ngayong panahon ng krisis dulot ng COVID-19.

Ito ay unang batch pa lamang ng mga former rebels na benepisyaryo ng SAP at inaasahang madadagdagan pa dahil patuloy pa ang ginagawang pag-assess ng mga kawani ng DSWD.


Samantala, patuloy pa rin ang pamamahagi ng mga relief goods ng 95th IB sa pangunguna ni LtCol Gladiuz Calilan, Commanding Officer sa mga pamilyang mahihirap na lubhang naapektuhan ng ECQ.

Facebook Comments