160 miyembro ng PSG, nagpositibo sa COVID-19 

Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 ang 160 miyembro ng Presidential Security Group (PSG) sa isinagawang rapid test sa mga ito.

Ayon kay PSG Commander Colonel Jesus Durante, isang miyembro din nila ang nagpositibo sa virus sa pamamagitan ng polymerase chain reaction (PCR) test.

Sa kabila nito, tiniyak ni Durante na nananatiling ligtas sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte lalo at wala itong naging exposure sa PSG members na nagpositibo sa virus.


Facebook Comments