Deadline ng renewal para sa Annual Pensioners’ Information Revalidation, pinalawig pa ng GSIS hanggang ika-30 ng Hunyo

Inihayag ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet na palalawigin pa nila ang pension fund na Annual Pensioners’ Information Revalidation (APIR) hanggang ika-30 ng Hunyo 2020.

Ayon kay Macasaet, bibigyan nila ng mahabang panahon ang mga miyembro ng APIR na makapag-renew ng kanilang active status sa pamamagitan ng pagtungo sa mga GSIS Wireless Automated Processing System (GW@PS) Kiosks na nasa opisina ng gobyerno, provincial capitols, city and municipal offices, piling SM and Robinsons Malls at GSIS branch offices.

Kailangan lang magtungo ang mga miyembro ng APIR sa mga GSIS offices sa kasagsagan ng buwan ng kanilang kapanganakan para matanggap ang kanilang pensiyon.


Ito na ang pangalawang pagkakataon na pinalawig ng GSIS ang pension fund deadline ng APIR bilang tulong na rin sa kanilang mga miyembro sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments