160 na kongresista, nagpulong bago ang deliberasyon ng 2020 budget

Taguig City – Aabot sa 160 kongresista ang nagtipon kagabi para pag-usapan kung paano nila gagawin ang deliberasyon sa panuklalang 4.1 trillion pesos 2020 national budget.

Ang mga miyembro ng majority bloc ng Kamara ay nagpulong sa isang closed-door caucus sa Taguig City na pinangunahan mismo ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Cayetano – itinuturing niyang ‘busy’ pero naging ‘productive’ ang kanilang pulong.


Tinalakay aniya nila ang ilang panukalang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA nitong Hulyo, na isasama din sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa susunod na linggo.

Una nang sinabi ni Cayetano na mag-a-adjust ang Kamara ng schedule ng kanilang plenary sessions para bigyang daan ang “marathon” budget deliberations na pangangasiwaa ng House Committee on Appropriations.

Matatandaang target ng Kamara na maaprubahan ang bersyon nito ng 2020 General Appropriations Bill sa October 4, bago ang congressional break.

Facebook Comments