1,600 OFWs mula sa Middle East, dumating sa bansa ngayong araw

35

5 batch ng Filipino repatriates ang dumating sa bansa ngayong araw mula sa Middle East.

Sila ay binubuo ng 1,600 na Overseas Filipino Workers (OFWs) kung saan unang dumating ang 300 repatriates mula Qatar via Philippine Airlines flight PR685.


Sumunod naman ang 350 repatriates mula Bahrain via Gulf Air flight GF154.

300 repatriates din mula Riyadh ang dumating sa bansa via Philippine Airlines flight PR655.

Mula sa Dammam, 350 OFWs din ang dumating via Saudia Airlines flight SV862.

Habang ang huling batch na 300 repatriates mula Dubai via Emirates Airlines flight EK332 ay pasado alas-4:00 ngayong hapon ang arrival.




Facebook Comments