163 na mga senior citizen sa Pasay, natanggap ang kanilang 2nd dose ng Sinovac vaccine ngayong araw

Nadagdagan pa ang mga nabakunahan sa lungsod ng Pasay.

Batay sa ulat ng Pasay City Information Office, may 163 Pasayeñong senior citizens ang tumanggap ng kanilang 2nd dose ng Sinovac vaccine kanina.

Ginawa ito sa pasilidad ng Office of Senior Citizens Affairs o (OSCA – Pasay).


Ang hakbang na ito ay kaugnay pa rin sa pagpupursige ng Pasay City Government sa pamamagitan ng Vacc to the Future vaccination program na mabakunahan laban sa COVID-19 ang target na bilang ng populasyon ng lungsod sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang 207,542 Pasayeño ang nabakunahan na.

139,233 dito ay nakatanggap na ng first dose habang 68, 273 ay natapos na sa kanilang second dose.

Facebook Comments