Halos 6,000 COVID-19 recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 5,811 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

5,204 naman ang bagong kaso habang 100 ang bagong namatay sa virus.

Sa ngayon, 1,478,061 na ang total COVID-19 cases sa bansa.


49,128 naman ang aktibong kaso habang 1,402,918 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

26,015 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments