Isinalin na ng Philippine Red Cross (PRC) ang Certificate of Occupancy ng mga bagong bahay para sa 165 na pamilyang naapektuhan ng pagbaha ng lahar sa Daraga at Guinobatan, Albay.
Ito ay matapos lumubog sa lahar ang maraming kabahayan dahil sa Super Typhoon Rolly na nag-landfall sa Albay noong November 2020 at mula sa debris ng Bulkang Mayon nang sumabog ito noong January 2018.
Nabatid na ang bawat bahay ay nagkakahalaga ng P200,000 at makakatanggap din ng tig-P10,000 na cash assistance ang bawat pamilya.
Ang naturang proyekto ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng PCR sa lokal na pamahalaan ng Albay gayundin sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies, Canadian Red Cross, Embassy of the Republic of Korea, British Embassy, Thai Red Cross, Spanish Red Cross, Singapore Red Cross, at online donors.