Resulta ng PSA survey, hinggil sa employment rate ng bansa, welcome sa Palasyo

Welcome sa MalacaƱang ang pinakahuling employment situation sa bansa na iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan lumalabas na nasa 94.2% ang naitalang employment rate sa bansa para sa buwan ng Marso, 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar pinatutunayan lamang nito na epektibo ang ipinatupad na istratehiya ng pamahalaan sa pagbu-bukas nito ng ekonomiya.

Sa ganitong paraan mas maraming negosyo ang nakabalik operasyon, at mas maraming Pilipino ang nakabalik na sa trabaho, habang pinabibilis pa ang COVID-19 vaccination program ng bansa.


Dahil dito, kumpiyansa ang Palasyo na makakakita pa ng mga improvement sa employment situatin sa bansa, lalo’t mayroon aniyang konkretong plano ang pamahalaan, upang maipagpatuloy ang pagbangon ng ekonomiya.

Facebook Comments