16TH PAGSO NATIONAL CONVENTION, GINANAP SA CAUAYAN

Cauayan City – Ginanap ang ika-16 na Philippine Association of General Services Officers National Convention ngayong taon sa Isabela Convention Center, Cauayan City, Isabela.

Nagtipon-tipon sa naturang convention ang mga General Services Officers mula sa iba’t-ibang Local Government Units sa buong Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Rodrigo “Bobot” Sawit, Provincial Government of Isabela GSO at ang siyang National President ng PAGSO, layunin ng pagtitipon na ito na mas palakasin pa ang samahan ng GSO’s sa buong Pilipinas.


Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng diskusyon, pagbahagi at pagpapalitan ng mga ideya at mga best practices ng bawat GSO’s sa buong Pilipinas.

Ayon kay Sawit, malaki ang naitutulong ng ganitong aktibidad sa mga GSO’s dahil nagkakaroon sila ng panibagong mga ideya kung paano mas makakapaghatid ng epektibo at maayos na serbisyo sa mga Pilipino.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments