1.4M HALAGA INILAAN SA PROYEKTO NG BRGY. SAN ANTONIO

CAUAYAN CITY-Isa sa mga proyektong nais maisakatuparan ng Brgy. San Antonio ay ang pagsasaayos ng kanilang tulay.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Roosevelt Perido Jr., sesementohin ang lubak at mabatong daan sa magkabilang dulo ng tulay.

Watch more balita here:Β HIGIT 20 LIBO, KUKUHA NG CIVIL SERVICE EXAM SA AGOSTO


Aniya, ang proyektong ito ay kanyang hiniling kay City Mayor Jaycee Dy kung saan sisimulan ang konstruksyon nito sa susunod na taon.

Naniniwala rin ang opisyal na kapag naisakatuparan na ang proyekto ay mas mapapabilis na rin ang transportasyon ng mga residente lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments