17 airport projects natapos sa 3 taong pamumuno ni Duterte – DOTr

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtapos ng 17 airport projects sa loob ng unang tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade, malaking tulong ang naiaambag ng mga paliparan sa mga Pinoy at dayuhang pumapasok at lumalabas ng bansa.

“Connectivity and mobility in transport are key components in socio-economic development. By building new airports and rehabilitating existing ones, the transportation sector contributes to both regional and national progress,” sabi ni Tugade.


Tuloy pa rin ang konstruksyon ng 28 paliparan at posibleng matapos bago bumaba si Duterte sa puwesto sa 2022.

Kabilang sa mga dalawang proyektong paliparang natapos ay Lal-Lo International Airport sa Cagayan, at Bohol-Panglao International Airport, ang kauna-unahang eco-airport ng Pilipinas.

Ibinada rin ng kagawaran ang rehabilitation ng Mactan-Cebu International Airport at upgrade ng mga sumusunod na domestic airports:

  • Virac
  • Marinduque
  • Tuguegarao
  • San Vicente
  • Busuanga
  • Maasin
  • Tacloban
  • Catarman
  • Ipil
  • Camiguin
  • Siargao

Sa kasalukuyan, inaayos pa rin ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at Passenger Terminal Building ng Clark International Airport sa Pampanga para sa mas magandang serbisyo sa mga pasahero.

Inaabangan rin ang pagbubukas sa publiko ng Sangley Airport sa Cavite, Bicol International Airport at New Manila International Airport sa Bulacan.

Facebook Comments