FLORIDA, US – Nasawi ang isang dalagita matapos umanong tamaan ng nakamamatay na sakit na tinatawag ng mga doktor na ‘kissing disease’.
Nakaramdam ng sintomas gaya ng panlalamig at pananakit ng ulo ang babaeng si Ariana Rae Delfis, tatlong Linggo ang nakararaan.
Dito nagsimulang magpatingin sa doktor ang dalaga kung saan nasuri ang sakit na ‘mononucleosis’ na kilala rin sa tawag na kissing disease.
Ayon sa doktor, ang naturang sakit ay nagsisimula sa tinatawag na Epstein-Barr virus na napapasa umano sa pamamagitan ng laway.
Sa salaysay na inilabas ng ama ni Ariana, lumala ang kalagayan ng anak sa puntong hindi na niya maramdaman ang kanyang hita at binti.
“Her words were very slurred at times. She was just talking gibberish, and the damage was already beginning at that point,” kwento niya.
Hindi na rin gumagana ang utak ng anak at dito na umano sila nagpasya na palayain na ito.
“Ariana passed on peacefully after a short and unexpected illness. We wanted everyone to know that she fought as bravely as she could in this tragic fight,” dagdag ng kanyang ama.
Nakiusap din daw ang anak na maging organ donor sakaling bawian siya ng buhay.