17-anyos na binatilyong mandurukot na bumibiktima ng mga estudyante sa Caloocan, arestado

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Caloocan City Police ang 17-anyos na mandurukot na bumibiktima sa mga estudyante ng University of the East sa Caloocan City.

 

Aksidente lamang ang pagkaka-aresto sa 17-anyos na binatilyo matapos itong masangkot sa rambulan ng mga kabataan sa footbridge sa Samson Road alas dose kaninang madaling-araw.

 

Aminado ang menor de edad na siya ang nasa viral video na kumalat noong 2016 habang dinudukutan ang dalawang estudyante sa Sangandaan, Caloocan.

 

Sabi ng suspek, hindi na niya mabilang sa dami ang kanyang nadudukutang mga estudyante.

 

Ayon naman kay SPO1 Norberto Ramos ng Caloocan PNP parokyano na ng piitan ang suspek dahil pang-walong beses na itong nakukulong na paulit-ulit lang nakakalaya dahil sa kanyang pagiging menor de edad.



Facebook Comments