3 katao, arestado dahil sa iligal na pagsusugal

51

Manila, Philippines – Tatlo ang arestado sa ilegal na pagsusugal sa Lungsod ng Pasay kagabi.

 

Nahuli sa aktong naglalaro ng cara y cruz ang mga suspek na sina Aaron Ortega, Alfie Bueno at  William Manozo sa Protacio St., Cabrera Pasay city.

 

Batay sa report ng Pasay police, naaktuhan ang tatlo habang nag-iikot ang pulisya bandang alas otso kagabi.

 

Nakuha sa kanila ang tig isandaaang pisong taya.

 

Nakakulong na ang mga suspect at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal gambling law.



Facebook Comments