17-day-old Philippine eagle na si Chick No. 30, binawian na ng buhay

Binawian na ng buhay ang 17-day-old male Philippine eagle si Chick No. 30, na nasa pangangalaga ng National Bird Breeding Sanctuary (NBBS) sa Toril, Davao City.

Ang nasabing inakay ay nabuo sa pamamagitan ng ‘artificial insemination’ na isang laboratory procedure kung saan kinokolekta ang semilya mula sa adult male eagle at itinuturok sa babaeng agila.

Base sa ulat ng Philippine Eagle Foundation (PEF), November 26 nang makitaan ng sintomas ng respiratory distress ang ibon kaya agad itong nilapatan ng mga paunang lunas.


Sa kabila nito, unti-unting humina ang kondisyon ng inakay hanggang sa tuluyan itong masawi noong November 29.

Isa sa mga tinitingnang dahilan ng pagkamatay ni Chick No. 30 ang yolk sac retention na kalimitang nagpapahina sa immune system ng mga inakay.

Tiniyak naman ng PEF na mas paiigtingin pa nila ang proseso sa pangangalaga ng mga agila na itinuturing nang critically endangered sa bansa upang hindi na maulit pa ang naturang insidente.

Facebook Comments