Nilinaw ng Malacañang na hindi pa tapos ang imbestigasyon sa flood control corruption kahit tapos na ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro, naipasa na ng ICI ang ulat nito sa Office of the Ombudsman para sa karagdagang imbestigasyon.
Patuloy rin aniyang nagsasagawa ng preliminary investigation ang Ombudsman at Department of Justice (DOJ) sa mga kasong isinumite o inirekomendang ihain.
Paliwanag ni Castro, may kapangyarihan din ang dalawang ahensya na magsagawa pa ng sariling imbestigasyon kung kinakailangan.
Facebook Comments
