Sa kanyang keynote address, inihayag ni Agriculture Undersecretary for Livestock Dr. William Medrano, ito ngayon ay tinatawag na isang harmonized effort para sa swine repopulation sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiative for Recovery and Expansion (INSPIRE).
Ayon naman kay Edillo, habang wala pang bakuna para sa African Swine Fever (ASF) ay kakailanganin naman ang lahat ng LGU na mapagtibay ang mga hakbang sa pamamagitan ng mga ordinansa at magpatupad ng mga patakaran para sa BabayASF.
Ang labingpitong (17) Farmers’ Cooperative Association ay lumagda para sa P5.5 milyon na grant.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Bryan Sibayan, ang Regional Livestock Focal Person, marami pa ring FCA ang nag-apply ngunit nasa ilalim ng validation at evaluation.
Aniya, mayroong 103 community-based swine clusters para sa Cagayan Valley.
Dumalo naman sa nasabing aktibidad ang lahat ng Provincial Veterinarian sa lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng virtual.