17 Katao, Dinakip sa Pagsusugal

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga kasapi ng PNP Tumauini ang 17 katao dahil sa pagsusugal sa magubat na bahagi ng Brgy. Lalauanan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na sina Romel Umipig, 25 anyos; Sandra Calle, 30 anyos, Herson Torres, 33 anyos; Arvie Cabacungan, 25 anyos; Mar Sanchez, 27 anyos; Marites Alcala, 32 anyos; Mario Salvador, 33 anyos; Jasper Salvador, 24 anyos; Elorde Umipig, 45 anyos; Macario Bergonia, 39 anyos; Normelita Balila, 35 anyos; Karen Castillo, 33 anyos; Romel Cabacungan, 46 anyos; Romeo Borabo, 40 anyos; Elorde Cabacungan, 46 anyos; Lorante Meru, 46 anyos; Rochelle Diampoc, 25 anyos at pawang mga residente ng barangay Sto. Niño, Tumauni, Isabela.

Sa ibinahaging impromasyon ni PMaj. Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang himpilan mula sa isang concerned citizen na may kasalukuyang nagsusugal sa brgy Lalauanan na agad namang pinuntahan ng mga pulis.


Nang makarating sa lugar ang mga pulis ay naaktuhan na naglalaro ng ‘Lucky 9’ ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.

Narekober sa lugar ang isang (1) set ng baraha, pera (bet money) na nagkakahalaga ng Php2,027.00 at isang (1) piraso ng tarpaulin.

Lahat ng 17 na nahuli ay dinala sa Tumauini Community Hospital para sa kanilang medical at physical examination.

Pagkatapos masuri sa ospital ay dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments