Thursday, April 30, 2026

β€Žπ—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—¨π—‘π—œπ—©π—˜π—₯π—¦π—œπ—§π—¬, π—§π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—’ π—”π—‘π—š π—”π—§π—˜π—‘π—˜π—’ 𝗦𝗔 𝗨𝗔𝗔𝗣

β€Žβ€ŽCauayan City – Nagpakitang-gilas ang defending champion na National University matapos walisin ang Ateneo de Manila University, 25-18, 25-18, 25-15, sa UAAP Season 88 women’s volleyball tournament na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Pinamunuan ni Evangeline Alinsug ang opensa ng Lady Bulldogs na nagresulta sa kanilang ikalawang sunod na panalo at 5-1 rekord, sapat upang manatili sa ikalawang puwesto sa team standings sa likod ng De La Salle University na may 5-0 karta.

Nakatakdang magsagupa ang NU at DLSU sa darating na Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa inaabangang laban ng dalawang nangungunang koponan.

β€ŽSa hiwalay na laban, nanaig ang Far Eastern University laban sa University of the Philippines sa iskor na 25-13, 25-21, 25-16.
β€Ž
β€ŽPinangunahan ni Alyzza Gaile Devosora ang Lady Tamaraws sa kanyang 15 puntos upang makuha ang 4-2 rekord at ikatlong puwesto sa standings.

Facebook Comments