17 lugar sa bansa, nakasailalim sa signal no. 1 dahil sa Bagyong “Maring”

Kasalukuyang kumikilos ang Bagyong “Maring” na sinamahan ng nalalabing epekto ng Bagyong “Nando” pa-Hilaga Hilagang-Kanluran ng Philippine Sea.

Huli ito namataan sa layong 730 kilometers Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong 105 km/h.


Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Sa Luzon:

Batanes
-Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
-Isabela
-Apayao
-Abra
-Kalinga
-Mountain Province
-Ifugao
-northern portion ng Benguet (Buguias, Bakun, Kibungan, Mankayan)
-Ilocos Norte
-Ilocos Sur
-Catanduanes

Sa Visayas:

-Eastern Samar
-eastern portion ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Mapanas, Lapinig, Gamay, Palapag, Mondragon, Silvino Lobos)
-eastern portion ng Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Hinabangan, Paranas)

Sa Mindanao:

-Dinagat Islands
-Surigao del Norte

Facebook Comments