Sumitomo Corporation, humingi ng paumanhin sa mga nadamay sa pagliyab ng bagon ng MRT-3 kagabi

Humingi ng paumanhin ang Sumitomo Corporation, ang maintenance provider ng MRT-3, sa mga pasaherong nasaktan at naabala ng fire incident sa tren ng MRT-3 kagabi.

Sa inilabas na pahayag ng kompanya, sinabi nitong tinitingnan nila ang lahat ng anggulo sa posibleng dahilan ng pagliyab ng bagon ng tren.

Magsasagawa rin sila ng counter measures para matiyak ang seguridad ng mga pasahero.


Nabatid na tatlong babae ang nasugatan nang masunog ang bagon ng tren malapit sa Guadalupe station sa EDSA.

Balik-operasyon na ang MRT-3 ngayong araw kung saan bumabiyahe na ulit ang 17 tren nito mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue station at pabalik.

Facebook Comments