17 mga dating miyembro ng NPA, nagbalik loob sa pamahalaan

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na aabot sa 17 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik loob sa pamahalaan.

Ang mga sumuko ay kabilang sa mga nagsasagawa ng mga pag-aaklas laban sa pamahalaan upang manghikayat ng mga kabataang mag-aaral na sumapi sa grupo.

Sinabi naman ni PBGen. Jose Hidalgo Jr., hindi nila itinuturing na kalaban ang mga dating rebelde bagkus sila ay mga biktima lamang.


Ang mga surrenderers ay makakatanggap ng tulong ng gobyerno.

Facebook Comments