Singil sa kuryente ng Meralco ngayong Nobyembre, tataas ng P0.084/kwh

Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Nobyembre.

Sa abiso, magpapatupad ang Meralco ng P0.084 per kilowatt hour na dagdag-singil sa kuryente bunsod ng mas mataas na generation charge.

Ito ay epekto rin ng pagmahal ng fuel cost sa spot market at paghina ng piso kontra dolyar.


Dahil dito, nasa P16.80 ang taas-singil para sa mga kumokonsumo ng 200kwh kada buwan; P25.20 kung 300kwh; P33.60 kung 400kwh at P42 kung 500kwh.

Bukod diyan, may nakaamba pa ulit na dagdag-singil sa kuryente sa mga susunod na taon matapos na isapinal ng Korte Suprema ang desisyon nito sa hiling na taas-singil ng Meralco dahil sa mas mataas na generation charge noong 2013.

Tatlong piso ang itataas sa singil kada kilowatt hour na ipapataw nang pautay-utay kapag ipinasa na sa mga consumer.

Facebook Comments