17 MILYONG PONDO, NAILABAS NA NG DOLE REGION 1 PARA SA PROGRAMA SA MGA KABATAAN

Umabot na sa higit 17 milyong piso ang nailabas na pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa mga kabataang benepisyaryo ng SPES.
Mahigit apat na libong kabataan edad 15-30 y.o. sa Region 1 ang nabigyan ng pagkakataong magtrabaho habang nasa school break ngayong taong 2022. 290 dito o 6. 48% ang out of school youth at 4, 183 o 93. 52% ay estudyante.
Bukod sa additional income, nakakuha din ang mga SPES workers ng work experience upang madali na lang silang makahanap ng trabaho after graduation.

Sila ay nagtrabaho ng 20 days sa LGUs, SUCs at private establishments.
Ang SPES ay isang programa ng DOLE katuwang ang mga LGU at mga pribadong kompanya na may layuning magbigay ng temporaryong trabaho sa mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante upang magkaroon ang mga ito ng sweldo na magagamit sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments