School-based vaccination drive, ikinasa ng Valenzuela LGU

Para mas marami pang makatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Valenzuela City, ikinasa ng lokal na pamahalaan ang school-based vaccination drive program.

Mismong ang mga tauhan ng VCVax Team ay nagsasagawa nito kung saan nag-iikot sila sa kada paaralan sa lungsod ng Valenzuela.

Una nilang tinungo ang Parada at San Miguel Heights Elementary School kung saan ang mga batang binigyan ng consent ng mga magulang ang kanilang naturukan ng bakuna.


Para hindi naman matakot o kabahan ang mga bata, pinayagan sila na makasama ang mga magulang habang ikinakasa ang pagbabakuna.

Bukod sa mga nabanggit na paaralan, iikot rin ang VCVax Team sa mga Daycare Center.

Nabatid na ang programa ng Valenzuela LGU ay para mas marami pang mga bata ang makatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ngayong malapit ng ipatupad ang full face-to-face classes.

Facebook Comments