17 Miyembro ng TOG-2 Phil. Air Force, Isolated dahil sa Exposure sa COVID-19 Patient

Cauayan City, Isabela- Nakasailalim ngayon ang nasa 17 na miyembro ng Tactical Operations Group 2 Philippine Air force matapos magkaroon ng exposure sa isang crew ng airforce na kalauna’y nagpositibo ng coronavirus.

Ayon kay Col. Augusto Padua, commander ng TOG2, kabilang siya sa mga nakaisolate ngayon matapos nga ang nangyaring pagbisita ng chief of staff sa Probinsya ng Batanes na sakay pala ang mga crew na may exposure sa positive patient sa COVID-19 na isa sa kanilang kasamahan na nakadestino sa Villamor Airbase.

Aniya, maituturing sila na second degree patient with exposure at kung sakali man na may magpositibo sa mga nakasama nila sa eroplano ay tiyak na sasailalim sila sa swab testing para matiyak ang sitwasyon ng kanilang kalusugan laban sa nakamamatay na sakit.


Isa lang ang hiling ni Col. Padua na magnegatibo at maging maayos ang kanilang kalagayan para maipagpatuloy ang kanilang adhikain sa pagtulong sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments