
Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba na baka maapektuhan din ang suplay ng bigas sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Agriculture Spokesman Asec. Arnel de Mesa, sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Sa ngayon, may halos 700 thousand metric tons ng imported na bigas sa bansa at malaki ang inaasahang local production dahil nagsimula na ang harvest season ngayong buwan.
Ipinaliwanag din ni De Mesa na ang mga inaangkat na bigas ng bansa ay galing sa mga kalapit na bansa o South East Asia
Sa pagtaya ng DA, tatagal ang suplay ng bigas hanggang sa susunod na harvest season.
Facebook Comments










