17 na bihag ng teroristang Maute, nailigtas ng militar sa Marawi City

Marawi City – Nailigtas ng tropa ng pamahalaan ang panibagong 17 bihag ng Maute Terrorist Group sa main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, 9 sa mga nailigtas ay mga lalaki habang 8 naman dito ay mga babae.

Tinataya namang nasa 18 hanggang 75 ang edad ng mga na-rescue.


Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye si Lorenzana kung paano at kailan nailitas ang mga ito.

Kamakailan 4 na bihag ng Maute terrorist group ang nailigtas ng tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments