Isa patay sa karambola ng tatlong sasakyan sa bayan ng Midsayap North Cotabato

Isa ang patay sa pagkarambola ng tatlong sasakyan sa barangay lower Katinggawan sa bayan ng Midsayap ,North Cotabato kahapon ng umaga.
Ss report ng Midsayap Pnp ay tinatahak ng kulay itim na Kymco 125 motorcyle na may plakang MC 0970-32 na minamaneho ni Tugan Usman 38 anyos ang daan angkas ang dalawang pasahero na kinilalang sina Leah Sallandingan 32 , Alljasser Alliso 21 , pawang mga estudyante at nakatira sa Upper Labas Midsayap ng silay mag overtake sa kasunod na Toyota Vios na minamaneho ni Reinario Barrientos 47 , negosyante , residente ng Mako Tagum City ng aksidente nilang mabundol ang puwitan ng kotse at sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga biktima sa kasalubong na Bajaj motorcycle na minamaneho ni Anthony Cadungog ,37 residente ng San Isidro Midsayap.
Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Sallandingan habang ang mga kasama nito ay patuloy pa ring nagpapagaling.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments