Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 14 na kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 ang naitala National Capital Region (NCR) at sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawang kaso ang na-detect sa National Capital Region (NCR) habang 12 sa Puerto Princesa City kung saan 11 dito ay mga dayuhan at isa ang local case.
Aniya, ang dalawang kaso sa NCR ay nakatanggap na ng kanilang booster shot kaya mild lang ang kanilang naging sintomas.
Sila ngayon aniya naka-recover na matapos makumpleto ang home isolation
Sinabi naman ni Vergeire na mayroong 39 closed contact ang dalawang kaso kaya tinitingnan na nila ang status ng pagbabakuna, quarantine at testing information ng mga ito.
Sinabi naman ni Vergeire na ang natukoy na Omicron subvariant cases sa Puerto Princesa ay kinabibilangan ng 14 na turista at 1 lokal na indibidwal.
Sa 15 kaso, lima ang nakaranas ng mild symptoms at lahat ay asymptomatic at gumaling na.
Ang BA.2.12.1 ay isang sublineage ng BA.2 na na-detect sa 23 bansa.