17 opisyal ng AFP, kinumpirma ng Commission on Appointments

Kinumpirma ng Commission on Appointments o CA ang ad interim appointments ng 17 General at Flag Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bago lumusot sa CA plenary ay sumalang muna sila sa confirmation ng CA Committee on National Defense na pinamunuan ni Representative Luis Jon Ferrer IV.

Sa confirmation hearing ay inusisa ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang sintemyento ng ilang AFP officers sa bagong batas na Republic Act 11709 na nagtatakda ng fixed term sa chief of staff at iba pang matataas na posisyon sa AFP.


Inamin naman ni AFP Deputy Chief of Staff Vice Admiral Rommel Reyes na mayroong sektor sa officer at enlisted personnel corps na maapektuhan ng batas pero sinisikap na aniya ng AFP at Department of National Defense (DND) na klaruhin ang malalabong section ng batas sa binabalangkas na Implementing Rules and Regulations.

Sa deliberasyon ng kanilang kumpirmasyon ay kinilala ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang hindi matatawarang dedikasyon at serbisyo ng AFP katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa matagumpay ng katatapos na eleksyon.

Sabi ni Revilla, isa ito sa dahilan kaya malaki ang bilang ng mga bomoto at mababang bilang ng election-related incidents.

Pinuri naman ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang mahusay na pagtupad sa tungkulin ng 17 senior officers ng AFP at ang kanilang mga mabubuting nagawa sa mga komunidad kung saan sila naitalaga.

Narito ang mga pangalan ng 17 senior officers na kinumpirma ng Commission on Appointments:

Adonis Ariel G. Orio to the rank of Brigadier General
Wilbur C. Mamawag to the rank of Major General
Alberto B. Carlos to the rank of Vice Admiral
William N. Gonzales to the rank of Lieutenant General
Rommel Anthony SD. Reyes to the rank of Vice Admiral
Glenn Jun C. Calambuhay to the rank of Brigadier General
Fermin M. Carangan to the rank of Brigadier General
Araus Robert F. Musico to the rank of Major General
Ignatius N. Patrimonio to the rank of Major General
Charlton Sean M. Gaerlan to the rank of Major General
Renato P. David to the rank of Rear Admiral
Jonas R. Lumawag to the rank of Major General
Francisco G. Tagamolila Jr. to the rank of Commodore
Marvin L. Licudine to the rank of Brigadier General
Camilo Z. Ligayo to the rank of Major General
Consolito P. Yecla to the rank of Brigadier General
Romulo A. Manuel Jr. to the rank of Major General

Facebook Comments