Incoming Press Secretary Trixie Cruz Angeles, inanunsyo ang mga bagong mapapasama sa gabinete ni President-elect Bongbong Marcos Jr.

607

Nagtalaga ng mga bagong kasapi ng kanyang gabinete si President-elect Bongbong Marcos Jr.

Sa isang pulong balitaan, inanunsyo ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang mga uupong cabinet members sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.,

Kabilang sa mga itinalaga ay si Incumbent Liloan, Cebu Mayor, Christina Frasco na napiling maging Tourism Secretary, Congresswoman Naida Angping na itinalagang Secretary for Presidential Management Staff.


Itinalaga namang Department of Budget and Management Secretary si Amena Pangandaman na dalawang dekadang naging finance expert.

Ang susunod naman na Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ay ang taga-DICT rin na si Ivan John Enrile Uy.

Ang susunod namang magiging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ang broadcaster na si Erwin Tulfo.



Ani Angeles, tinanggap na ng mga ito ang kani-kanilang mga appointments.

Sinabi ni Angeles na ang kanilang naging basehan sa pagpili ay ang mga karanasan ng mga napili sa kanilang pagseserbisyo publiko.


Facebook Comments