17 Panibagong Kaso ng COVID-19; 20 Gumaling, Naitala sa Region 2

126

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng dalawampung (20) panibagong recoveries at labing pito (17) na bagong kaso ng COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, nasa 20 ang gumaling na sa COVID-19 sa rehiyon at ito ay naitala mula sa Lalawigan ng Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Ang probinsya ng Cagayan ay mayroong tatlo (3) na recoveries, anim (6) sa Isabela at labing isa (11) sa Nueva Vizcaya.

Kasabay naman ng paggaling ng 20 na COVID-19 patients sa rehiyon, nakapagtala naman ng 17 na bagong nagpositibo sa virus na mula sa Cagayan, Isabela, Santiago City at ang probinsya ng Batanes.

Apat (4) ang muling naitala sa Cagayan, tig- anim (6) sa Isabela at Lungsod ng Santiago habang isa (1) ang naitala na pinakaunang kaso ng Batanes.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1, 686 na total confirmed cases sa rehiyon dos, 453 ang active cases, 1, 205 ang recoveries at 28 na ang nasawi.

Facebook Comments